(047) 491-2472 •

NEW COLLECTION OFFICE

Posted on June 20, 2016


PAUNAWA

ABRIL 11, 2016

 

SA AMING MGA MINAMAHAL NA CONSUMERS

SA BRGY. CULIS AT PALIHAN:

                                                 

            NAIS PONG IPABATID NG HERMOSA WATER DISTRICT (HWD) NA SIMULA SA HUNYO 2016 AY WALA NA PONG PUPUNTANG COLLECTOR SA INYONG LUGAR SA ARAW NG “DUE DATE” NG INYONG MGA WATER BILL. MAAARI NA LANG PO KAYONG MAGBAYAD SA ATING TANGGAPAN SA MAGSAYSAY ST., BRGY. STO. CRISTO, HERMOSA (LUNES HANGGANG BIYERNES, 8:00NU HANGGANG 5:00NH).

 

            MAAARI DIN PO KAYONG MAGBAYAD SA ATING “SATELLITE COLLECTION OFFICE” NA MATATAGPUAN SA BAGONG PAMILIHANG BAYAN NG HERMOSA SA BRGY. PALIHAN, KATABI PO ITO NG LOTTO OUTLET TUWING ARAW LAMANG PO NG “DUE DATE” (7:00NU HANGGANG 2:00NH) NA NAKASULAT SA INYONG “BILLING OR STATEMENT OF ACCOUNT”.

 

            MAAARI DIN PO KAYONG MAGBAYAD SA ATING KAWANI SA PANAHON NG PAMIMIGAY NILA NG INYONG “BILLING OR STATEMENT OF ACCOUNT”. KUNG KAYO AY MAGPAPARTIAL PAYMENT MANGYARI PO LAMANG NA MAGBAYAD SA ATING TANGGAPAN SA MAGSAYSAY ST., BRGY. STO. CRISTO, HERMOSA.

 

            ITO PO AY ISA LAMANG SA MGA “COST CUTTING MEASURE” NA IPINAPATUPAD NG HWD MANAGEMENT UPANG MAIPAGPALIBAN ANG PAGTAAS NG TARIPA SA TUBIG. SA KASALUKUYAN, TANGING ANG BRGY. CULIS AT PALIHAN NA LAMANG PO ANG MAY NANININGIL NG WATER BILL SA BAHAY-BAHAY.

 

            ANG KAUKULANG “OFFICIAL RECEIPT” AY IBIBIGAY SA INYO NG AMING COLLECTOR SA TUWING KAYO AY MAGBABAYAD.

 

            ANG HERMOSA WATER DISTRICT AY PATULOY PONG MAGLILINGKOD AT MAGBIBIGAY NG EPISYENTENG SERBISYO SA ATING PUBLIKO AT ITO AY AMING MAGAGAMPANAN LAMANG SA TULONG AT PAKIKIISA NA RIN NINYO.

 

            MARAMING SALAMAT PO.